Tuesday, May 17, 2011

Ligaw-Tingin

Ako’y nagtatanong kung bakit
Di ka mawala sa aking isip?
Pag andyan ka, puso’t isip ko’y ligalig
Sa kadahilanang ikaw ay aking ibig.

Gusto kita pero nakahiyaan kong sabihin,
Sabihing ako’y iyong pansinin.
Kahit panadaliang pagpansin
Ay sapat na sa akin.

Ngunit kay ilap ng pagkakataon,
Kahit di pansinin ay sapat na sa akin,
Ang ika’y masulyapan sa tuwina
Ay katumbas na langit na saya.

Limutin ka’y di ko yata magagawa,
Nabihag ang puso kong sumisinta
Ng iyong mga matang ka’y lalim kong tumingin
At mga pangungusap na kaysarap imisin.

Ano pa man, sana iyong madama,
Madama na ako’y umiibig sa’yo sinta.
Sinta ko, sana iyong mapansin
Ang sa iyo’y aking ligaw-tingin.

*made by for Sheena Nina Ortega Depaudhon*

xoxo,
Sheena <3

No comments:

Post a Comment