Friday, May 20, 2011

Bitter...

‘Wag mong iwan ang taong MAHAL mo at lubos na nagmamahal sa’yo para sa taong GUSTO mo na hindi ka naman mahal…

dahil baka iwan ka lang ng taong GUSTO mo para sa taong MAHAL niya.

Karma ang tawag diyan.

Naiinis ako sa mga taong hindi pa kuntento sa taong lubos na nagmamahal sa kanya at maghahanap pa ng iba. Kung maghahanap ka pa ng iba, maaaring magsisi ka sa bandang huli. Ikaw din ang mawawalan. Ikaw din ang manghihinayang. Ikaw din ang magmumukhang kawawa.

Bakit ka pa maghahanap ng iba kung mahal mo naman siya, at mahal ka naman niya? Nagsasawa ka na ba? kaya maghahanap ka ng panibago ngunit hindi mo naman talaga mahal?

Sa bandang huli mari-realize mo rin na “Ay, bakit ko siya pinakawalan?”, “Siya talaga ang para sa akin”, “Bakit pa kasi ako naghanap ng iba?”, “Ang tanga tanga ko talaga”.

---

bitter ako eh. -_-


xoxo,
Sheena <3

No comments:

Post a Comment